buti na lang at pinautang ako ni kuya kung hindi baka nainggit lang ako at nagmukmok sa bahay magdamag habang sila nagsasaya.
medyo late dahil may ginawa pa sa bahay at sumiyesta muna. pa-goodshot muna.
late ako ng good 15mins from start time pero di pa sila nagsisimula. tamang kwentuhan muna at preparasyon. after nun bayad na at kanya kanyang hagilap ng upuan.
ako ang doxology, di ako umapoy love ako ni Lord.
at bumaha na ang beer at pulutan at kwentuhan habang lumalim ang gabi at umulan nang marahan.
syanga pala, sya ay dumating. late na naman. as usual.
hanggang isa isa nang umuwi ang mga miyembro. i got to chat with her for some time though.
nagpalipas ako ng gabi kasama sila sa starbucks. i ordered her frappe. di ko lang alam if nagustuhan nya. buwisit nakalimutan ko ang cake nya. napagtripan namin si lotlot kung sya nga ba ay badingger-Z pero lam ko okay lang si lotlot at di mapipikon.
kasama namin si merv galing Japan. ang Gapos ni kuya jason, ang wristband ni sir jojo. si glenn at ang stuff toy nya. nag-goto kami, salamat kay sir jojo. ayus ang digicam ni merv, dumaan pa kami sa bahay ni kuya. hindi ni ayrin take note.
umuwi kami ng 5. atleast umaga na at may araw na. hinatid ko sya hanggang karuhatan. ang daldal!
ang saya ng umaga pag ikaw ang kasama.
Post a Comment